Miyerkules, Nobyembre 28, 2018

PAGSUSURI SA MITONG HARING MIDAS- URANIUM GROUP 7

1.PAGKILALA SA MAY AKDA
Edith Hamilton (August 12, 1867 – May 31, 1963)
Nationalidad:German
Pinanganak sa Dresden,Germany
Si Edith Hamilton ang kinikilala "pinakamagaling na babaeng manunulat ng klasika" dahil sa kanyang kahusayang pinamalas at naiambag sa mga akdang klasiko. Ang kanyang unang librong nalathala na "The Greek Way" ay sumikat at umani ng maraming papuri mula sa mga mambabasa. Sinundan pa niya ang naunang libro ng "The Roman Way", "the Prophets of Israel" at marami pang iba.
2.URI NG PANITIKAN
Ginamit ng may-akda ang Mito(mula sa Gresya) na isa sa mga matandang panitikan at ang mga karakter ay ang mga diyos at diyosa mula sa Gresya.
Ginamit niya ito upang ipahiwatig ang kanyang mga kaisipan tulad ng “huwag maging sakim o silaw sa pera”.
3.LAYUNIN NG AKDA
Layunin ng may-akda na iparating o ipahiwatig sa mga mambabasa na huwag tayong magpapasilaw sa ginto o maging sakim dahil hindi natin alam ang kapalit nito.
TEORYANG Pampanitikan
Mailalapat ang teoryang moralistiko sa mito. Ito ay teoryang naglalayong na ang isang akdang pampanitikan buhat ng mga kaisipang batayan ng wastong pamumuhay:pagtulong sa kapwa sa lahat ng oras,maging maingat sa pagpili o pagdedesisyon,hindi matutumbasan ng ano mang yaman ang tunay na saya.
  Mailalapat din natin ang teoryang klasismo sapagkat si Edith Hamilton ay isang kilalang manunulat ng klasika at ito ay isa sa kanyang mga gawa .


 PATUNAY SA MGA TEORYA
         MORALISTIKO:
  Nantinulungan ni Haring Midas ang hindi kilalang tao(Silenus) at tinanggap ng buo sa kaharian
     Ang mga pasya ni Haring Midas gaya nalang ng kanyang hiling.
      Pinagsisihan ni Midas ang hiling niya sapagkat walang katumbas na yaman ang tunay na kaligayahan

4. TEMA O PAKSA NG AKDA
      Ang pangunahing paksa sa akda ay pumili o magdesisyon ng tama upang mailagay sa tamang landas ang iyong buhay, kung hindi mo ito magagawa maaring ikasira ito ng iyong buhay.  Gaya na lang sa mito, simula pa lang ay nagkamali na agad si Midas sa kanyang hiling at hindi alam ang pananagutan o kapalit nito at ipinakita rin ang maling pagpili sa hindi niya pagpanig kay Apollo.
5.MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
      Ang mga karakter sa nasabing akda ay batay sa mga paniniwala ng mga Griyego; ang mga Diyos at Diyosa at mga taong may taglay na kapangyarihang supernatural. Ngunit ang mga pag-uugali o katangian ng mga karakter ay nahahango sa totoong buhay. Gaya nalang ng kahangalan ni Midas,kinatatakutan na si Apollo,Marunong magtanaw ng utang na loob katulad ni Dionysus at marami pang iba.

6. TAGPUAN/PANAHON
      Ang tagpuan sa akda ay masasabi nating nangyari noong unang panahon . Gaya nga ng pagsuri kanina, ang mito ay sinasabing isa sa mga pinakamatandang panitikan. Ang kultura noong mga panahong iyon ay kailangang pangalagaan at tuklasin. Ang mga lugar sa mitong ito’y base sa mga lugar sa tunay na mundo gaya nalang ng Ilog Pactolus.

7.NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
      Isa pong gasgas na pangyayari ang inilahad, at para sa amin wala naming kakaibang taglay sa kwento, sa kadahilanan na iisa lamang ang pinagiikutan ng kwento ; Na kung saan gusto ni Midas na kung ano man ang kanyang hawakan ay magiging ginto. Wala namang naiiba o bago sa kwento dahil tanging si Haring Midas lang ang iniikutan nito na nakalagay na mismo sa titulo. Nabuo ang balangkas ng akda dahil sa hiling ni Midas, ito ay may kaisahan sapagkat pinapakita ditto ang mga pagdedesisyon ni Midas na naging dahilan ng maling pag-ikot ng kanyang buhay. Marami kaming natutunan sa akda dala ng mga kaisipang nakapaloob dito .
8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Ang mga sumusunod ay mga ideya o kaisipang nakapaloob sa mito:
      Maging maingat sa pagpili  at pagdedesisyon sa buhay
      Ang pagiging sakim ay hindi nakabubuti
      Walang sikretong hindi nabubunyag.
      Hindi matutumbasan ng ano mang yaman ang tunay na kaligayahan
Ang mga kaisipang ito’y nangyayari sa totoong buhay at ito’y mga katotohanan na magiging gabay ng mga mambabasa.

9.ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
      Sa aming pananaw, ang estilo ng pagsusulat sa kwento ni "haring midas" ay malinaw at walang bias sa ka- dahilan-an na ito'y naisaad ng maayos at maiintindihan. Sakto lamang sa panlasa ng mga mambabasa dahil din sa mga aral na mapupulot natin ditto. Mahusay at masining ang paggawa ng akda sapagkat ang akdang ito’y nakaimpluwensya na sa maraming manunulat o kuwento.
10.BUOD
      Si Haring Midas ay mabait at hari ng lupain ng mga rosas, isang araw tinulungan niya ang isang lasing na napadpad sa kanyang kaharian. Nang mabalitaan ni Dionysus(diyos ng alak) ang mga nangyari, nagpabuya siya kay Midas sa pagtulong niya kay Silenus ,tagasunod ni Dionysus. Hiniling ni Midas na ang kahit na anong hawakan niya ay magiging ginto. Sa pagsisisi ni midas sa kanyang kahilingan , nagmamakaawa siya kay Dionysus na ipawalang bisa ito.
Sa Gayon, pinapunta siya sa Ilog ng Pactolus at hugasan ang kanyang mga kamay. Hindi nagtagal pinarusahan ni Apollo si Midas dahil sa kanyang hindi pagpanig sa kanya. Ginawang tainga ng mga asno ang tenga ni Haring Midas. Nang lumipas ang maraming araw, kumalat sa lugar na “ si Haring Midas ay may tainga tulad ng mga asno”.



Ang pagsusuri sa taas ay hatid sainyo ng pangkat pito(7) ng 10- Uranium ng Pamantasan ng Silangan.

1 komento:

Bawal ang anak na lalaki

Bawal ang anak na lalaki ( NO SONS! A SUPERHERO TALE OF AFRICA , ISANG EPIKO MULA SA CONGO) Ni AARON SHEPARD (RETOLD) PAGKILAL...