Miyerkules, Nobyembre 28, 2018

Pagsusuri sa Akdang ‘Araw na may Rebolusyon'


Pagkilala sa May-Akda


         Si Mansoura Ez-Eldin ay ipinanganak sa Delta, Egypt. Isang siyang mamamahayag at manunulat. Ang dalawang nobela na kanyang naisulat ay ang Maryam’s Maze at Beyond Paradise. Dahil isa siyang mamamahayag at naninirahan sa Egypt, ito ang naisip naming mga salik kung bakit niya naisulat ang “Araw na may Rebolusyon”. Sapagkat mismong niyang nasaksihan at naranasan ang mga pangyayari sa akda at gusto niya ibahagi sa iba’t ibang panig ng mundo ang nangyaring kagimbal-gimbal sa kanilang bansa.





Uri ng Panitikan

         Ang akda ay isang sanaysay na personal. Taglay nito ang mga katangian ng isang personal na sanaysay tulad ng ang may-akda ay parang nakikipag-usap,  naglalahad ito ng karanasan ng  may-akda at nakikilala ang personalidad ng may-akda.

Layunin ng Akda

        Ang layunin ng akda ay imulat at gisingin ang ating mga isipan sa realidad na kaya tayong  pagmalupitan o saktan ng ating gobyerno at kailangan nating ipaglaban ang ating kalayaan at katarungan na nararapat sa atin.

Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan

       Mailalapat ang teoryang realismo sapagkat ipinapakita nito ang lohikal at praktikal na pangangatwiran sa pakikitungo sa tunay na mundo. Hindi itinanggi sa akda ang mga mapapait na nararanasan ng mamamayan mula sa kalupitan ng pamahalaan.  Ang ikalawang teorya naman ay ang teoryang bayograpikal dahil ang sanaysay ng awtor ay nagpapakita ng karanasan na nagbigay buhay sa karakter.

Ilang bahagi sa teksto na nagapatunay sa mga sinabing teorya.

Teoryang Realismo

  • “Sinusubukan naming ipakita sa mga pulis na hindi kami kalaban, wala kaming hinihingi kundi aming kalayaan."
  • “Sa kabila ng lahat ng ito, ang mga nagpoprotesta ay hindi nagpigil, bagkus pinaaalab ng palasak na matinding galit sa mabagal na pagtugon sa mga tao ni Pangulong Mubarak."
  •   “Nais ng taong bumagsak ang pamahalaan!”

         Teoryang Bayographikal

  • “Ang mga lokal na boluntaryo ay bumuo ng komite upang labanan ang mga kriminal, sa gitna ng puspos na damdamin na ang pamahalaan ay sa mga kaguluhan.”
  • “Napaiyak ako nang marinig ang balitang 3 000 boluntatryo ang nagkapit-bisig paikot ng museong pambansa upang pangalagaan ito mula sa pagnanakaw at painira.”
  •   “Hindi tayo maaaring manahimik sa nangyayari. Ang pananahimik ay krimen. Ang dumanak na dugo ay hindi dapat masayang.”

Tema o Paksa ng Akda

         Ang paksa ng akda ay ang hindi pagkakaisa at pagkakasundo ng mamamayan at pamahalaan. Makabuluhan ito dahil mamumulat ang mga tao sa ganitong pangyayari sa mundo. Napapanahon din ito dahil laganap ngayon ang kalupitan ng pamahalaan sa kanilang mga nasasakupan.

Mga Tauhan/Karakter sa Akda

         Ang persona na itinutukoy ay ang may-akda. Inihahayag niya ang karahasan at kalupitan na kanyang nasaksihan o naranasan kagaya na lamang na nabanggit sa sanaysay. Nais lamang nila ay makamit at ipaglaban ang ninanais na kasarinlan.

Tagpuan/Panahon
        Ang mapayapang pagpoprotesta ay sumiklab sa mosque ng Amr ibn al-As sa Old Cairo malapit sa Church of St. George at sa paglala ng rebolusyon at lumaganap na ang karahasan sila ay nagtungo sa Tahrir Square na kilala rin sa tawag na Martyr Square.

Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari

        Kung susuriin mabuti ang sanaysay. Masasaksihan na ito ay may pangkalahatang persona na isa sa nagpapalawak sa kaisipan ng mga mambabasa. Ang ilang kaganapan nito, kung iisipin ay kapani-paniwala. Ang mga kaganapan sa akda ay dati pang nangyayari pero maaari pa rin naming mangyari sa kasalukuyang panahon.

Mga Kaisipan/Ideyang aglay

Maaaring naging batayan ng awtor ang mga sumusund na kaisipan o ideya:
  •  Ang pagsasama-sama at pagkakaisa ay nagbubunga ng magandang resulta.
  •  Kailangan natin ipaglaban ang karapatan at nararapat para sa atin.
  •  Hindi magiging kasagutan ang karahasan upang makamit ang ninanais.

Estilo ng Pagkakasulat ng Akda

         Sa unang pahayag, hindi gaanong maintindihan ang takbo ng istorya ngunit kung patuloy itong binabasa mas lumilinaw ang ipinapahiwatig ng akda. Mas nauunawaan ng mga mambabasa  dahil hindi ginamitan ng mga simbolismo at imahe. Hindi rin gumamit ang awtor ng mga matatalinghagang salita.

Buod

        Naranasan ng mga taga-Ehipto ang karahasan at kalupitan na galing mismo sa kanilang pamahalaan. Hindi sila nagpatinag sa ginagawa sa kanila ng mga awtoridad dahil ipinaglalaban nila ang kanilang kalayaan. Marami mang namatay sa kanila, hindi sila sumuko at nanahimik dahil ayaw nila masayang ang mga dumanak na dugo at para sa kanila ang pananahimik ay krimen.


2 komento:

Bawal ang anak na lalaki

Bawal ang anak na lalaki ( NO SONS! A SUPERHERO TALE OF AFRICA , ISANG EPIKO MULA SA CONGO) Ni AARON SHEPARD (RETOLD) PAGKILAL...