Martes, Disyembre 18, 2018

Aralin 18: Paglisan (mula sa Nigeria) ni Chinua Achebe

Pagkilala sa May-akda

Si Chinua Achebe ay isang Nigerian na manunulat at guro
Chinua Achebe
Isinulat niya ang nobela dahil gusto niyang wakasan ang stereotyping o paniniwala/panghuhusga ng mga taga-Europa patungkol sa katutubong Aprikano.

Uri ng Panitikan

Ang akda ay isang halimbawa ng nobela.
Nakapaloob ang mga katangian ng isang nobela sa akdang Paglisan tulad ng maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan, malikhain at maguni-guni ang paglalahad at pumupukaw ng damdamin ng mambabasa.

Layunin ng Akda
Ang layunin ng akda ay magbigay aral na maging matapang at dapat handa kang harapin kung ano ang naging bunga sa ginawa mo.

Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan

Teoryang Formalismo – ang teksto ay pinapalooban ng matatalinghagang salita.

Teoryang Sosyolohikal - Ito ay sosyolohikal dahil masasalamin dito ang kalagayan at estado ng lipunan

Teoryang Humanismo – makikita sa iba’t ibang bahagi ng teksto ang pagbibigay puri sa pagiging marangal ng tao.

Teoryang Realismo – Sa panahon ngayon, humahantong na minsan ang tao sa pagpatay sa kanyang kapwa para sa sariling kapananan.

Teoryang Moralistiko - Ito’y teaoryang motalistiko sapagkat masasalamin dito ang positibong pag uugali at maging ang kagaspangan ng ugali ng mga tao.

Tema o Paksa ng Akda

 Ang paksa o tema ng akda ay ang labanan ng dalawang kultura o tradisyon, makikita ito sa kwento kung saan may mga misyonero na dumating sa Mbanta at gustong palaganapin ang Kristiyanismo.

Mga Tauhan/Karakter sa Akda

 Okonkwo - matapang at respetadong pinuno na mula sa lahi ng Umuofia at siya'y nagpatiwakal dahil sa nagawang kasalanan.
Ikemefuna - inalagaan ni Okonkwo bilang tanda ng pakikipagsundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofua at isang nayon.
Obierika - ang kaibigan ni Okonkwo.

Tagpuan/Panahon

Mbanta - Dito nagtungo si Okonkwo nang siya ay ipatapon ng mga taga Umuofia dahil sa kanyang ginwang pagpatay kay Ikemefuna at sa anak ni Ogbuefi Ezeudu. Dinala ni Okonkwo dito ang kanyang buong pamilya at lugar ito ng kapanganalan ng kaniyang ina. Nanirahan dito si Okonkwo hanggang sa siya ay pinatawag sa Umuofia para sa pagpupulong.

Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari

Hindi karaniwan ang akdang ito kung iyong babasahin sapagkat kung babasahin mo ito at iintindihin, hindi aakalain na magiging ganoong kadilim at kamiserable ang buhay ni Okonwo. Pinakilala siyang matapang at respetadong mandirigma sa simula at sa dulo siya ay naging mamatay tao at pinaratangan niya ang kanyang sarili ng kamatayan. Para sakin ay bago ang dating ng akda na ito sapagkat iba ito sa mga aking nabasa.

Mga Kaisipan/Ideyang Taglay

 Maging matatag sa mga darating na pagsubok sa buhay.

Huwag magpadalos-dalos sa gagawing aksyon.

Harapin ang mga nagawang aksyon at huwag itong takbuhan.

Estilo ng Pagkakasulat ng Akda

Ang akda ay ginamitan ng mga mababaw na salita ngunit mayroon ding mga matatalinghagang salita na nagpalito ng kaunti sa mambabasa.
Sa bandang huli, gumamit ang may-akda ng simbolismo na nagpaisip sa mga mambabasa.

Buod

Si Okonkwo ay isang respetadong pinuno sa tribo ng mga Igbo sa Nigeria. Nagpapamalas siya ng katapangan dahil ayaw niya matulad sa kanyang ama na sa tingin niya ay mahina at talunan. Ipinangalaga sa kanya si Ikemefuna na tanda sa pakikipagsunduan sa Umuofia at napatay niya rin ito. Nagpakalayo-layo si Okonkwo dahip napatay niya ang anak ni Ogbuefi Ezeudu. Hindi naglaon, may dumating na mga misyonero sa Mbanta at gusto ipalaganap ang Kristiyanismo. Nakatikim ng pang-aabuso ang mga pinuno ng Umofia at gustong tumiwalag. Gamit ang machete pinatay ni Okonkwo ang mga mensahero dahil inaakala niya na gusto ng kaangkan na maghimagsik. Ang Komisyoner ng Distrito ay dumating sa lugar ni Okonwo para sa paglilitis ngunit natagpuan nila na nagpatiwakal ito.

25 komento:

  1. Ano Ang Banhay Ng Teoryang Paglisan?

    TumugonBurahin
  2. aral o mensahe ng nobelang paglisan

    TumugonBurahin
  3. Ug makakita ko sa akong mga classmate diri from Tayasan National Science High School, edi wup! Same tag answers na

    TumugonBurahin
  4. Magbigay ng pananaw Kung saan ginamit Ang teoryang formalismo sa akdang Paglisan

    TumugonBurahin
  5. Suliranin
    Saglit na kasiglahan
    Tunggalian
    Kasukdulan
    Kakalasan
    Wakas

    TumugonBurahin
  6. Ano ang Bisang Kaisipan nito, Bisang Pandamdamin at Pangkaugalian

    TumugonBurahin
  7. sa iyong palagay, ang mga magagandang tanawin ba sa Nigeria ay nagkaroon ng tatak sa larangan ng panitikan, pagkatapos ninyong basahin ang akda

    TumugonBurahin
  8. Pabigay po ng teoryang sosyolohikal asap:(((

    TumugonBurahin
  9. Kinsay nag skwela sa Cangawa diri
    hahhhha

    TumugonBurahin

Bawal ang anak na lalaki

Bawal ang anak na lalaki ( NO SONS! A SUPERHERO TALE OF AFRICA , ISANG EPIKO MULA SA CONGO) Ni AARON SHEPARD (RETOLD) PAGKILAL...