Martes, Disyembre 18, 2018

Liongo, Mito mula sa Kenya

Liongo
Mito mula sa Kenya
Isinalinsa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida
Sinuri ng Pangkat nina Chamee Co, Cj Cunanan, Julian Bautista, Emma Ruth Gannod, Franz Lim, at Sheila Mae Manangan

PAGKILALA SA MAY-AKDA
Ang mitong ito ay walang tiyak na tao kung sino ang sumulat nito. Pinagsaling-dila lamang ito kaya't hanggang ngayon ay nanatili pa rin itong tanyag sa bansang Kenya.

URI NG PANITIKAN
Ang akda ay isang mitolohiya. Ang mitolohiya ay ang pag-aaral sa mga mito at alamat. Ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. Ang klasikal na mitolohiya ay naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan na sinasamba ng sinaunang tao. Tumatalakay ito sa mga elemento ng kalikasan tulad ng kidlat,baha,apoy at hangin. Naglalahad din ito ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Kahit hindi kapani-paniwala, Ito ay itinuturing na banal at totoong naganap. Karaniwan itong may kaugnayan sa mga ritwal at telohiya ng mga sinaunang tao.

LAYUNIN
Nais iparating ng mito na ang kahinaan ay hindi dapat sinasabi sa kung kani-kaninong tao. Ang isang taong malakas ay madalas kainggitan ng mga taong walang malinis na intensyon. Ang tiwala ay hindi dapat ibinibigay ng buo kahit sa mga taong malalapit sa atin. Maging maingat sa mga taong pinagkakatiwalaan. 

TEORYA
Klasismo – ang mito ay hindi naluluma o nalalaos sapagkat ito ay may bisa sa pagpapayabong ng kaisipan ng tao.
Sosyolohikal - ang mito ay nagpapakita ng ugnayan na namamagitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral na suliranin panglipunan.
Moralistiko – ang mito ay isang bukal ng mga kaisipang batayan sa wastong pamumuhay.

TEMA
Ang tema o Paksa ng akda ay ang buhay ni Liongo na isang mitolohikal na bayani ng mga mamamayan ng Swahili at Pokonio sa silangan ng Kenya. Ipinakita sa akda na siya ay may natatanging lakas subalit ang hinirang na bagong hari ng buong Pate ay hindi siya, bagkus ang kanyang pinsang si Sultan Ahmad. Dahil na rin sa impluwensiya ng Islam at ang pagbabago sa paraan ng paghalili mula sa matrilineal tungo sa patrilineal.

TAUHAN
>Si Liongo, Na isang mitolohikal na bayani ng mga mamamayan ng Swahili at Pokonio sa silangan ng Kenya. Siya ay ipinanganak sa isa sa pitong bayan sa baybayin ng Kenya. Siya rin ay may natatanging lakas at kasintaas ng isang higante. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta at ng Shanga sa Fosa, Isla ng Pate.
>Si Sultan Ahmad, Ang pinsan ni Liongo na hinirang upang maging bagong hari ng buong Pate na nagnanais na mawala si Liongo kaya Ipinabilanggo niya ito at ikinadena.

TAGPUAN
>Swahili at Pokonio sa silangan ng Kenya- dito nakatira ang mga mamamayan na itinuturing na mitolohikal na bayani si Liongo. Sila rin ang gumawa ng maraming tula na inialay kay Liongo.
>Isa sa pitong bayan sa baybayin ng Kenya- lugar kung saan ipinanganak si Liongo
>Ozi at Ungwana sa Tena Delta at Shanga sa Fosa, isla ng Pate- pinag haharian ni Liongo.
>Pate- pinaghaharian ni Sultan Ahmad na pinsan ni Liongo
>Bilangguan- kung saan ibinilanggo ni Sultan Ahmad si Liongo
>Kagubatan- dito nanirahan si Liongo nang makalabas sa bilangguan kasama ang mga Watwa, ang mga nananahan sa kagubatan.
>Galla o Wagalla- nakalaban ni Liongo sa digmaan; dito rin nakilala ni Liongo ang kanyang napangasawa na anak ng hari

NILALAMAN
Ang nilalaman ng mitong Liongo ay patungkol sa higanteng bayani na si Liongo. Si liongo ay malakas at malaki ngunit may kahinaang itinatago ng kaniyang ina. Si liongo ay nagkaroon ng pakikipagtunggali sa kanyang pinsan na si Sultan Ahmad at dahil dito, ibinilanggo nila si Liongo. Nakatakas si Liongo at nanirahan sa kagubatan at doon siya natutong gumamit ng busog at pana. Nakipagpaligsahan siyang mula sa hating si Sultan Ahmad at nanalo padin siya. Nakapangasawa siya na anak ng hari sa Galla at nagkaron ng anak na nagtaksil sakanya at siya’y pinatay. Nanatiling naitatak ay buhay ang bawat kabanata nito dahil sa mga awitin.

KAISIPAN
Dapat hindi basta basta sa gagawing desisyon.Nararapat na isipin muna natin ito ng maigi. Kilalanin muna ang tao bago ibigay ang tiwala dito para hindi natin ito pag-sisihan sa huli.

ESTILO
Kung babasahin ay tila isang ordinaryong mito lamang ito ngunit kung pagpapatuloy ay maganda ang nilalaman nito. Hindi pangkaraniwan ang pagkakasulat sapagkat sa una hanggang gitna ay maganda pa ang takbo nito ngunit habang papalapit sa dulo ay mas nagkakaroon pa ng problema ang pangunahing tauhan.

BUOD
Si Liongo ay isang mitolohikal na bayani sa Swahili at Pokonio na may natatanging lakas at kasintaas ng higante. Ngunit dahil kagustuhan ni Sultan Ahmad na mawala si Liongo ay kaniya itong pinakulong at ikinadena.Nagpatuloy ang kaniyang buhay at nakapangasawa pero ang kaniyang sariling anak ang nagtaksil at pumatay sa kaniya.

PAGPALAIN! :)

8 komento:

  1. Maraming salamat.Lubhang nakatulong sa akin ang iyong ginawang pagsusuri. Nagkaroon ako ng malalim na pagkilala sa panitikang ito dahil sa pagsusuring ginawa mo. Nawa'y magkaroon ka pa ng maraming artikulong mga katulad nito. Pagpala ng Mayakapal nawa'y mapasaiyo!

    TumugonBurahin
  2. Thank you so much for the big help❤️

    TumugonBurahin
  3. ano ang bisa sa isip, bisa sa damdamin ng liongo?

    TumugonBurahin
  4. Tungkol saan ang mitolohiya ni liongo?

    TumugonBurahin

Bawal ang anak na lalaki

Bawal ang anak na lalaki ( NO SONS! A SUPERHERO TALE OF AFRICA , ISANG EPIKO MULA SA CONGO) Ni AARON SHEPARD (RETOLD) PAGKILAL...