Biyernes, Enero 4, 2019

Bawal ang anak na lalaki

Bawal ang anak na lalaki
(NO SONS! A SUPERHERO TALE OF AFRICA, ISANG EPIKO MULA SA CONGO)Ni AARON SHEPARD (RETOLD)


PAGKILALA SA MAY-AKDA

ANG SUMULAT NG “BAWAL ANG ANAK NA LALAKI” AY HINDI MATUKOY PERO ISINULAT ITO NI AARON SHEPARD MULI NGUNIT SA IBANG PARAAN.


URI NG PANITIKAN

  •     AY ISANG EPIKO. ANG EPIKO AY ISANG MAHABANG TULA NA KARANIWANG MULA SA SINAUNANG PASALITANG TRADISYON.
  •     ANG TAUHAN, TAGPUAN, AT BANGHAY AY MAHAHALAGANG ELEMENTO NG ISANG EPIKO.
LAYUNIN NG AKDA

ANG LAYUNIN NG EPIKONG ITO AY MAGPAHAYAG AT MAGSABI NG KATOTOHANAN AT DAPAT PAHALAGAHAN ANG ANAK, BABAE MANO LALAKE, DAHIL ITO AY BIYAYA GALING SA DIYOS.


TEORYANG PAMPANITIKAN

HUMANISMO
NAKA-SENTRO SA TAO ANG EPIKO.
KARAPATAN NG MAGIGING ANAK NIYANG MABUHAY AT MAGKAROON NG MAGULANG
KLASISMO
DAHIL HINDI ITO NALULUMA NA KAPAG HINDI NASUNOD ANG NAIS O GINAWANG BATAYAN.
GAGAWA’T GAGAWA TAYO NG PARAAN UPANG ITO LAMANG AY MASUNOD KAHIT MAY MAAPAKAN TAYONG IBANG TAO.

REALISMO 
DAHIL GANOON ANG TOTOONG NANGYAYARI SA REALIDAD NA KAHIT HINDI NASUNOD ANG ATING MGA NAIS, DAPAT MO ITONG TANGGAPIN DAHIL ITO ANG NARARAPAT AT LAHAT NG MGA ITO AY MAY DAHILAN.
MAYROONG MGA BANSA NA IPINAGBABAWAL ANG ANAK NA LALAKI


TEMA O PAKSA NG AKDA
  • ANG PAGBABAWAL NG PAGKAKAROON NA ANAK NA LALAKI AT ITO AY MAKABULUHAN AT TUTUGON SA SENSIBILIDAD NG MGA MAMBABASA.
 TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
  •       SHEMWINDO AY ISANG DAKILANG DATU NA NANINIRAHAN SA NAYON NG TUBONDO NA MAYROONG MARAMING ASAWA NA KUNG TAWAGIN AY POLYGYNY.
  • SI MWINDO AY ANAK NI SHE-MWINDO AT NAGTATAGLAY NG KAKAIBANG LAKAS NA WALA ANG PANGKARANIWANG TAO.
  •     SI IYANGURA AY TIYAHIN NI MWINDO AT KAPATID NI SHE-MWINDO.

TAGPUAN/PANAHON
  •      SA CONGO NA ISANG BANSANG MAKIKITA SA GITNANG KANLURAN NG AFRICA. ANG BANSANG ITO AY MAY MAKAPAL NA KAGUBATAN AT MGA BAGING NA HALOS SUMASAKOP SA KALAHATI NG KALUPAAN NG BANSA.
  •     SA TUBONDO KUNG SAAN NANINIRAHAN SI SHE-MWINDO.

NILALAMAN O BALANGKAS NG AKDA
•  MAY KAKAIBANG LAKAS ANG BIDA DITO AT HINDI GASGAS ANG MGA PANGYAYARING INILAHAD SA AKDA AT MAY KAISAHAN ANG PAGKAKALAPAT NG MGA PANGYAYARI MULA SIMULA HANGGANG WAKAS.

KAISIPANG O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

• HINDI BATAYAN ANG PERA O PAGBABAYAD NG DOTE SA MAGIGING KASARIAN NG IYONG ANAK KUNDI TANGGAPIN ANG IYONG MAGIGING ANAK.
LAHAT NG ANAK, KAHIT ANONG KLASENG KASARIAN PA MAN ANG TINATAGLAY NIYA, DAPAT MAIPARAMDAM MO SA KANYA ANG PAGMAMAHAL BILANG ISANG MAGULANG.
KAHIT ANONG GALIT ANG MERON KA SA ISANG TAO, HUWAG NA HUWAG KANG PAPATAY DAHIL HINDI ITO MAKATARUNGAN.

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
•    ANG GINAMIT NA ESTILO SA “BAWAL ANG ANAK NA LALAKI” AY PA-EPIKO. ITO AY NAGSASALAYSAY NG MGA GAWAIN AT PAKIKIPAGSAPALARAN NG MGA BAYANI, O KAYA’Y MGA TAUHAN SA ALAMAT; MGA KASAYSAYAN NG ISANG BANSA.

BUOD
•  SA BAYAN NG TUBONDO, MAY ISANG DATU NA GUSTO LAMANG ANG ANAK NA BABAE. MAY PITO SIYANG ASAWA NGUNIT ANG PABORITONG NIYANG ASAWA AY NAGSILANG NG LALAKI NA LUMABAS SA KANYANG PUSOD AT MAY HAWAK NA CONGA NA PINANGALANANG MWINDO. NAGALIT ANG DATU KAYA PINAPATAY NIYA ITO. SINIBAT, INILIBING, IPINAANOD SA ILOG NGUNIT BUHAY PA RIN SI MWINDO. PUMUNTA SI MWINDO SA KANYANG TIYAHIN DAHIL ALAM NIYANG KUKUPKOPIN SIYA NITO. NOONG LUMAKI NA SIYA, BINALAK NIYANG KALABANIN ANG KANYANG AMA NGUNIT KALAUNAN AY NAGKAAYOS DIN SILA DAHIL NATUTUNAN NG KANYANG AMA NA PAHALAGAHAN ANG ANAK, BABAE MAN O LALAKI DAHIL ANG BAWAT ISA AY BIYAYA NG DIYOS.


Huwebes, Disyembre 20, 2018

Ang Munting Prinsipe

Ang Munting Prinsipe

Nobela mula sa Pransiya
Salin ni Desiderio Ching ng kuwentong "The Little Prince" ni Antoine de Saint-Exupery

May akda
  • Ipinanganak sa Lynos si Antoinne de Saint Exupery ay itinuturing na isang pilotong kakaiba sa lahat. Sa loob ng dalawampung taon, siya ay naglakbay sa kalawakan upang gampanan ang mga pag buo ng mapa ng iba't-ibang lugar kasabay ng pag-lalakbay komersiyo. Ang kanyang pag-lipad ay nag-dulot sa kanya ng inspirasyon at halaga sa kanyang mga pag-susulatang mga pilosopiyang sanaysay at pantasya. Ang pag-lipad din ang nag-gayak sa kanya upang matukoy ang karunungan at kahulugan ng buhay. Si Antoinne de Saint Exupery ay nag simula ng pag sulat "The Little Prince" noong ikalawang digmaang pandaigdig. Nang sakupin ng Germany ay tumigil sa pag-lipad at lumisan papuntang New York. Ang pangyayaring ito ay lubusang ikinalungkot niya at ito ay makikita sa nobelang kanyang isinulat na nagpapadama ng pag asa na makabalik siya. (Ang "The Little Prince" na isinulat ni Exupery ay nag papahiwatig ng ilang tunay na karanasan sa kanyang buhay ng kanyang kamusmusan at mga salaysay ng kanyang paglalakbay).
Uri ng Panitikan
  • Ang kuwento ng munting prinsipe ay isang uri ng nobela na mas maikli pa sa karaniwang nobela at mas mahaba sa maikling kuwento. Isa rin itong pabula at alegorya.
Layunin ng akda
  • Isinulat ito upang ipakita at iparamdam sa atin na sa ngayong panahon makikita mong pareparehas ang lahat ng bagay ngunit makikitaan mo lang ito ng importansya o halaga kung ito'y iyong iningatan, inalagaan at minahal. Layunin ng akda na imulat ang mga mambabasa mapabata man o matanda na dapat bigyang kalinga at importansya ang isang bagay upang makita mo ang pag kakaiba nito sa mga katulad niya.
Teoryang Pampanitikan
  • Mailalapat ang teoryang romantisismo sa storya. Makikita sa istorya ang romantisismo dahil sa ugnayan at sa nararamdaman ng munting prinsipe para sa kanyang rosas. Maaari din ito sa ugnayan ng alamid at ng munting prinsipe dahil gusto ng alamid na mapaamo siya ng prinsipe.
Tema o paksa ng akda
  • Ang tema ng akda ay patungkol sa di pag sayang ng oras at panahon upang malaman ang mga bagay na gusto nating malaman.
Mga tauhan o karakter sa akda
  • Ang pangunahing tauhan sa may akda ay ang munting prinsipe na umakyat sa isang mataas na bundok upang tignan ang tatlong bundok na ang taas ay abot hanggang tuhod at nakilala niya duon ang naging kaibigan na si alamid na nagturo sa kanya kung gaano kahalaga ang bawat oras at panahon.
Tagpuan at panahon
  • Nagpatunay lang na ang munting prinsipe ay may sariling mundo na marami pang kailangan malaman at ang kanyang mundo ay naiiba sa makatotohanang mundo ng mga tao na may mga bagay na nalilimutan ng mga tao.
Nilalaman o balangkas ng mga pangyayari
  •  Sa aking pag kabasa ang nilalaman ay may pag kakaiba sa karamihang kuwento o istorya pagkat  ito'y may pag lalarawan sa ganap na nangyayari  sa aking mundong ginagalawan. Ang ilang pangyayari ay nasa panahong nag sasaad ngayon ang mga tao ay tulad sa mga rosas sa hardin walang pag kakaiba wala ni isang natatangi kung kaya't nag papaamo ang alamid sa prinsipe at ng matapos ang amuhan napagtanto ng prinsipe ang kaibahan ng rosas niya sa ibang hardin malinaw ang gustong ipahayag ng may akda na sa tamang karanasan malalaman mo ang kaibahan ng isang bagay.
Mga Kaisipan
 Ang mga kaisipan o aral sa akda ay ang mga sumusunod:
  • ang pinaka mahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na halaga, puso lamang ang nakadarama.
  • matutong makuntento sa isang bagay na pinahalagahan mo ng sobra dahil natatangi lang yun sayo na hindi mo mahahanap sa iba.
  • tunay na pag mamahal at pag kakaibigan.
Ang mga kaisipang ito ay maaaring maging iyong gabay sa matiwasay at maayos na pamamalakad ng iyong buhay.

Estilo ng pagkakasulat ng akda
  • Epektibo ang pag kakasulat ng akda sapagkat naipapakita nito ang mga elemento ng nobela. Gumamit din ang may akda ng mga simbolismo upang maging masining sa pag papahayag ng kanyang mensahe o aral sa akdang ito. Ang simbolismo sa istorya ay ang rosas na pinahahalagahan at pinaamo ng prinsipe. Kaya rosas ang simbolismo dahil para sa prinsipe ito ay  parang espesyal na tao sa buhay niya.
Buod
  • Sa akda ay pinakilala ang munting prinsipe. Pinakilala siyang napaka inosente at nag hahanap ng makakausap o ng magiging kaibigan. Nag tangka ang munting prinsipe na hanapin ang mga tao ngunit una siyang napadpad sa hardin ng mga rosas. Nanlumo  siya nang makita niya ang isang hardin ng mga rosas. Sapagkat ang sabi kanyang bulaklak sakanya ay wala nang iba pang tulad niya. Tila napahiya ang prinsipe nang makita niya ang napaka raming katulad nito. May nakilala naman na alamid ang munting prinsipe at ang alamid na ito ang nag silbing tagapagturo niya ng aral na ang pag kakaroon ng ugnayan sa kung ano man o sino man ay hindi mapapantayan ng kahit ano mang kaparehas ng anyo nito sapagkat ang ugnayan nila ang mismong nangingibabaw.

Long Walk to Freedom Sanaysay


Long Walk to Freedom



Sanaysay mula sa south Africa
ni Mielad al oudt allah
salin ni marna Gonzaga-meridaanaysay mula sa south Africa
ni Mielad al oudt allah
salin ni marna Gonzaga-merida


May-akda


Mielad Al Oudt Allah

•Siya ay nag-aaral noon ng kanyang Master’s degree sa larangan ng politika nang likhain niya ang isang sanaysay patungkol sa libro ni Nelson Mandela na “Long Walk To Freedom”. Isa si Mielad sa nanalo sa kompetisyon ng Syrian Ministry of Education sa paggawa ng sanaysay patungkol sa libro ni Nelson Mandela na may kanya-kanyang estilo ng pagpapahayag at titulo.

URI NG PANITIKAN

•Ang uri ng panitikan nito ay sanaysay,na naghahatid o tumatalakay ng isang kaisipan o paksa. Ang sanaysay na ito ay handing magbigay ng aral at impormasyon sa mga mambabasa nito. Ang paksa dito ay isa sa mga isyung panlipunan na nararanasan natin ngayon.

Layunin ng akda

•Layunin ng sanaysay na ikuwento ang buhay ni Mandela at kung paano nya ipagtanggol at ipaglaban ang kalayaan ng South Africa at ito’y magsisilbing inspirasyon sa mga mambabasa patungkol sa pagkakapantay-pantay ng mga tao sa buong mundo.

TEORYANG PAMPANITIKAN

•Ang teoryang mailalapat natin ay ang teoryang realism dahil ang mga pangyayari sa akda,ay mismong nangyayari sa totoong buhay. Tulad nalamang ng maling pagtrato sa mga “puti” at itim”
•Ang teoryang sosyolohikal dahil ang mga suliraning tinatalakay ng akdang ito ay mga isyung panlipunan na hindi parin nareresolba hanggang ngayon. Ang mga diskriminasyon sa ating lipunan at ang pagpigil ng kalayaan ng isang nilalang.
•Maari nating ilapat ang teoryang bayograpikal sapagkat isinasaad ng may akda ang kanyang saloobin sa libro ni Mandela na Long Walk to Freedom.

Tema/paksa ng akda

•Ang tema sa sanaysay ay tungkol sa pagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay at pagpigil sa diskriminasyon sapagkat ipinapakita na hindi basehan ang kulay sa pagkakaroon ng tao ng kalayaan nito.

Mga tauhan o karakter sa akda

  NELSON MANDELA(1918-2013)
Ipinanganak sa Transkein
Ama:Gadla Henry Mphakanyiswa
- ang politiko na naglingkod bilang Pangulo ng Timog Aprika mula 1994 hanggang 1999. Bago ang kanyang pagkapangulo, kilala si Mandela sa paglaban sa mga gawain ng sistemang apartheid at pinuno ng African National Congress(ANC), at nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo dahil sa bintang na pagsasabotahe. Sa kanyang 27 taon na pagkakakulong, halos ang kabuoan ng panahon ay ang pananatili sa Pulo ng Robben, si Mandela ay naging isang malawakang pigura sa laban sa apartheid(dating Sistema sa south Africa na pinaghihiwalay ang mga lahi). Siya ay nagging simbolo sa pagkakamit ng kalayaan ng mamayan ng Timog Aprika. Si Nelson Mandela ay isang totoong karakter sapagkat siya’y nabuhay at namatay sa mundong ito.

Tagpuan at panahon

•Ang mga tagpuan sa nasabing akda ay makatotohanan at ito’y makikita sa mundong ating ginagalawa.
Mga Tagpuan na nabanggit:

•Maliit na nayon ng Transkei-dito isinilang si Nelson Mandela.
•Bayan ng Mrezo-Pinamunuan ng kanyang ama.
•Unibersidad ng Timog Africa-Paaralan kung saan nagtapos ng Bachelor of Arts si Nelson Mandela.
•Minahan ng Karbon sa Johannesburg-pansamantalang naghanap ng trabaho si Nelson Mandela kasama ang isang kaibigan.
•Johannesburg-pook kung saan nakatayo ang sarili niyang kompanya ng panananggol (law firm) na nagbigay ng mababa at libreng serbisyong legal sa mga “itim” na kadalasang walang tagapagtanggol.
•Timog Africa- Ang bansa kung saan namuno si Nelson Mandela.

Nilalaman o balangkas ng mga pangyayari 

•Isa na itong gasgas na pangyayari sapagkat karamihan ng sanaysay ay ganito isinusulat, may isang kaisipang nais na ihatid at ikuwinento ang buhay ng may akda.
•Binuo ang balangkas ng sanaysay sa pamamagitan ng paglalahad ng layunin ng pangunahing karakter sa dulog.

MGA KAISIPAN o ideyang taglay ng akda

•Ang kaisipan sa kwento o ang sentrong tema ay patungkol sa paglalaban ni nelson mandela sa kalayaang panlahat. Ang kalayaan ay hindi lamang para sa isang kulay o lahi. Tulad nga ng kaniyang pahayag "Ang kalayaan ay hindi maipaghihiwalay; ang tinakala ng isang mamamayan ay tinakala ng buong bayan, ang tinakala ng bayan at akin ring tinakala" ipinapakita ni mandela na bawat isa at sakop ng operasyon at nang kalayaan.

Estilo ng pagkakasulat ng akda

•Sa estilo ng kwento masasabing epektibo ang pagkaka angkop ng mga salita dahil ang daloy ng kwento ay naiintindihan. Pasok ito sa panlasa ng karamihan dahil ito'y patungkol sa kalayaan, maraming tao ang makaka "relate" sa kwento na ito. Nailarawan din ng maayos ang nilalaman at gustong ipahayag ng kwento dahil maganda ang pagkakasunod sunod ng paglalahad sa kwento at gumamit ang may-akda ng simbolismo sa sanaysay.

BUOD

Laganap sa bansang South Africa ang diskriminasyon sa pag hindi pagkakapantay-pantay ng mga kulay kaya’t ginamit ng National Congress Party,kung saan kasapi si Mandela ay ginamit nila ang kanilang boses sa pakikibaka paglaban sa kalayaang panlahat. Noong si Mandela ay naging pangulo ng bansang South Africa nakamit na nila ang tunay na kalayaan. Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito maraming hirap ang nagdaan sa buhay ni Mandela, siya ay hindi mula sa mayamang pamilya nilisan niya ang nayon niya upang makatulong sa pamilya at makapaghanap ng trabaho.

•Noong kabataan ni Mandela siya ay naglayas dahil ayaw niyang magpakasal sa babaeng pinili para sa kanya, siya ay sumama sa kaniyang kaibigan sa pagtrabaho sa minahan ng karbon sa Johannesburg

nang nakakuha na siya ng pantustos sa pagaaral siya’y nag aral sa unibersidad ng South Africa at nagtapos ng kaniyang bachelor of Arts at kinalaunan nagkaroon ng sariling kompanya sa panananggol(law firm) sa Johannesburg.












Martes, Disyembre 18, 2018

EL-FILI


EL FILIBUSTERISMO
NI: DR. JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO Y REALONDA

TUNGKOL SA MAY AKDA


ØAng El Filibusterismo na inihandog Ni Dr. Jose Rizal sa tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos at JacintoZamora na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA na magsisilbing buhay na alaala ng ating pambansang bayani na laging uukit sa puso't isip ngmga kabataan ang kalagayan, damdamin at pangarap ng lahing Pilipino.


ØAng nasabing nobela ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.


URI NG PANITIKAN
ØAng nobela ay isang mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Ø
ØTagpuan, tauhan, banghay, pananaw at tema ay isa sa mga elemento ng nobela.
Ø
ØMay mga layuning : gumising sa diwa, manawagan, magbigay ng aral at inspirasyon, at nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
LAYUNIN NG AKDA
ØUpang mapukaw ang
rebolusyonaryong damdamin ng mga Pilipino. Makikita ito sa tema ng rebolusyon
na pinlano ng isang tauhan ng akda na si Simoun.
ØNagpapakita rin dito ang pag-asa ng reporma sa kung papaano pinamumunuan ng mga Kastila ang Pilipinas.
PAGLAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
ØAng teoryang pampanitikan ginamit sa El Filibusterismo ay Teoryang Klasismo/Klasisismo
 Ang layunin ng panitikan ay  maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan.
TEMA O PAKSA NG AKDA
ØAng pagpapakita ng laganap na sitwasyon ng mga Pilipino noon. Ang pag-aabuso ng mga Kastila, ang pag kailangan ng edukasyon, at ang pag kailangan ng pagkapantay-pantay para bawa't isang tao.
Ø
ØAng pagkakaiba ng paghihiganti at ang tunay na pagbabago ni Crisostomo Ibarra na ngayon ay si Simoun.

MGA TAUHAN
ØSIMOUN
Ang mayamang magaalahas na nakasalaming may kulay na umano’y tagapayo ng Kapitan General ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nag balik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
ØKABESANG TALES
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamayari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
ØISAGANI
Siya ay pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Maliban pa rito si Isagani ay isa sa mga estudyanteng sumuporta sa hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang kastila ang Pilipinas.
ØBASILIO
Ang mag aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
ØJULI
Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
TAGPUAN AT PANAHON
PANAHON:
ØAng tagpuan ay nangyari labing-tatlong taon pagkatapos ng pangyayari sa Noli Me Tangere.
TAGPUAN:
ØKubyerta, Bapor Tabo, Ilalim ng Kubyerta, San Diego, Gubat ng mga Ibarra, Ilalim ng Puno ng Balete, Laguna, Lupa ni Tales, Lawa (Kung saanpinataysi Ibarra), at ang Noche Buena.
NILALAMAN
ØAng nilalaman ng Noli Me Tangere ay hindi karaniwan, dahil isa itong nobela at ang tinatalakay ng nobelang ito ay ang karanasan na maaaring naranasan noong mga Pilipino noong panahon ng tayo’y parte ng kolonya ng Espanya. Sa kadahilanang ito ay nagawa na ng matagal na, at hindi na nangyayari sa panahon ngayon, ito ay hindi pang-karaniwan.
KAISIPAN
ØIto ay nagtataglay at ipinaliwanag noong inabuso tayo ng mga kastila. Ito rin ay makatotohanan at naipakita kung paano ang sistema noong panahon ng mga Espanyol. Ipinaliwang rin ni Dr. Jose Rizal ang kanyang karanasan noong kapanahunan niya.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
 ØAng ginamit ni Dr. Jose Rizal ay pa-nobela. Naging epektibo ang paggamit ng salita at malalalim na salita upang makatulong upang maunawaan natin ang nobela. Maganda ang detalye at maayos ang kwento. Maraming tayong matutunan at malalaman tungkol sa kwento nito. May mga karanasan na isinulat ni Rizal. Nakakatulong rin ito sa ating mga kabataan.
BUOD
Ang nobela ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng isang bapor, ang Bapor Tabo. Doon ipinakilala ang ilang tauhan ng nobela na si Simoun, Isagani, at Basilio. Si Crisostomo Ibarra, ang bida sa Noli Me Tangere, ay nagbalik sa Pilipinas at nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na nagngangalang Simoun. Taglay ang poot at layong makapaghiganti at iligtas si Maria Clara sa kumbento, naglunsad si Simoun ng mga plano upang bulukin at pahinain ang pamahalaan upang maging sanhi ng himagsikan.
Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkuntsaba sa iba't ibang tauhan sa nobela, kabilang na si Basilio. Una, binalak niyang manghimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Santa Clara upang agawin si Maria Clara. Ngunit hindi natuloy ang planong ito sapagkat namatay nang hapong iyon si Maria Clara. Pangalawa, nagkaroon ng pagkakataon si Simoun sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito Pelaez kung saan dadalo ang lahat ng makapangyarihan sa pamahalaan. Niregaluhan ni Simoun ang ikinasal ng isang magarang lamparang may hugis granada na kasinlaki ng ulo ng tao.Lingid sa kaalaman ng lahat, ang ilawang ito ay nagtataglay ng granada na kapag itataas ang mitsa upang paliwanagin ay sasabog ito.
 Sa kasawiang palad at sa pangalawang pagkakataon, hindi natuloy ang balak na ito ni Simoun sapagkat nalaman ni Isagani ang maitim na balak na ito at mabilis na inihagis ang ilawan sa ilog. Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas at nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad naman ng pari. Uminom si Simoun ng lason upang hindi mahuli ng mga guardia sibil na buhay. Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun sa dagat at umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa kabutihan ng taumbayan.


Bawal ang anak na lalaki

Bawal ang anak na lalaki ( NO SONS! A SUPERHERO TALE OF AFRICA , ISANG EPIKO MULA SA CONGO) Ni AARON SHEPARD (RETOLD) PAGKILAL...