Martes, Disyembre 18, 2018

EL-FILI


EL FILIBUSTERISMO
NI: DR. JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO Y REALONDA

TUNGKOL SA MAY AKDA


ØAng El Filibusterismo na inihandog Ni Dr. Jose Rizal sa tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos at JacintoZamora na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA na magsisilbing buhay na alaala ng ating pambansang bayani na laging uukit sa puso't isip ngmga kabataan ang kalagayan, damdamin at pangarap ng lahing Pilipino.


ØAng nasabing nobela ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.


URI NG PANITIKAN
ØAng nobela ay isang mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Ø
ØTagpuan, tauhan, banghay, pananaw at tema ay isa sa mga elemento ng nobela.
Ø
ØMay mga layuning : gumising sa diwa, manawagan, magbigay ng aral at inspirasyon, at nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
LAYUNIN NG AKDA
ØUpang mapukaw ang
rebolusyonaryong damdamin ng mga Pilipino. Makikita ito sa tema ng rebolusyon
na pinlano ng isang tauhan ng akda na si Simoun.
ØNagpapakita rin dito ang pag-asa ng reporma sa kung papaano pinamumunuan ng mga Kastila ang Pilipinas.
PAGLAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
ØAng teoryang pampanitikan ginamit sa El Filibusterismo ay Teoryang Klasismo/Klasisismo
 Ang layunin ng panitikan ay  maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan.
TEMA O PAKSA NG AKDA
ØAng pagpapakita ng laganap na sitwasyon ng mga Pilipino noon. Ang pag-aabuso ng mga Kastila, ang pag kailangan ng edukasyon, at ang pag kailangan ng pagkapantay-pantay para bawa't isang tao.
Ø
ØAng pagkakaiba ng paghihiganti at ang tunay na pagbabago ni Crisostomo Ibarra na ngayon ay si Simoun.

MGA TAUHAN
ØSIMOUN
Ang mayamang magaalahas na nakasalaming may kulay na umano’y tagapayo ng Kapitan General ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nag balik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
ØKABESANG TALES
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamayari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
ØISAGANI
Siya ay pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Maliban pa rito si Isagani ay isa sa mga estudyanteng sumuporta sa hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang kastila ang Pilipinas.
ØBASILIO
Ang mag aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
ØJULI
Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
TAGPUAN AT PANAHON
PANAHON:
ØAng tagpuan ay nangyari labing-tatlong taon pagkatapos ng pangyayari sa Noli Me Tangere.
TAGPUAN:
ØKubyerta, Bapor Tabo, Ilalim ng Kubyerta, San Diego, Gubat ng mga Ibarra, Ilalim ng Puno ng Balete, Laguna, Lupa ni Tales, Lawa (Kung saanpinataysi Ibarra), at ang Noche Buena.
NILALAMAN
ØAng nilalaman ng Noli Me Tangere ay hindi karaniwan, dahil isa itong nobela at ang tinatalakay ng nobelang ito ay ang karanasan na maaaring naranasan noong mga Pilipino noong panahon ng tayo’y parte ng kolonya ng Espanya. Sa kadahilanang ito ay nagawa na ng matagal na, at hindi na nangyayari sa panahon ngayon, ito ay hindi pang-karaniwan.
KAISIPAN
ØIto ay nagtataglay at ipinaliwanag noong inabuso tayo ng mga kastila. Ito rin ay makatotohanan at naipakita kung paano ang sistema noong panahon ng mga Espanyol. Ipinaliwang rin ni Dr. Jose Rizal ang kanyang karanasan noong kapanahunan niya.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
 ØAng ginamit ni Dr. Jose Rizal ay pa-nobela. Naging epektibo ang paggamit ng salita at malalalim na salita upang makatulong upang maunawaan natin ang nobela. Maganda ang detalye at maayos ang kwento. Maraming tayong matutunan at malalaman tungkol sa kwento nito. May mga karanasan na isinulat ni Rizal. Nakakatulong rin ito sa ating mga kabataan.
BUOD
Ang nobela ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng isang bapor, ang Bapor Tabo. Doon ipinakilala ang ilang tauhan ng nobela na si Simoun, Isagani, at Basilio. Si Crisostomo Ibarra, ang bida sa Noli Me Tangere, ay nagbalik sa Pilipinas at nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na nagngangalang Simoun. Taglay ang poot at layong makapaghiganti at iligtas si Maria Clara sa kumbento, naglunsad si Simoun ng mga plano upang bulukin at pahinain ang pamahalaan upang maging sanhi ng himagsikan.
Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkuntsaba sa iba't ibang tauhan sa nobela, kabilang na si Basilio. Una, binalak niyang manghimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Santa Clara upang agawin si Maria Clara. Ngunit hindi natuloy ang planong ito sapagkat namatay nang hapong iyon si Maria Clara. Pangalawa, nagkaroon ng pagkakataon si Simoun sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito Pelaez kung saan dadalo ang lahat ng makapangyarihan sa pamahalaan. Niregaluhan ni Simoun ang ikinasal ng isang magarang lamparang may hugis granada na kasinlaki ng ulo ng tao.Lingid sa kaalaman ng lahat, ang ilawang ito ay nagtataglay ng granada na kapag itataas ang mitsa upang paliwanagin ay sasabog ito.
 Sa kasawiang palad at sa pangalawang pagkakataon, hindi natuloy ang balak na ito ni Simoun sapagkat nalaman ni Isagani ang maitim na balak na ito at mabilis na inihagis ang ilawan sa ilog. Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas at nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad naman ng pari. Uminom si Simoun ng lason upang hindi mahuli ng mga guardia sibil na buhay. Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun sa dagat at umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa kabutihan ng taumbayan.


1 komento:

  1. Nagpapasalamat po ako sa nag post dahil helpful po ito sa aming research at project ( ´◡‿ゝ◡`)

    TumugonBurahin

Bawal ang anak na lalaki

Bawal ang anak na lalaki ( NO SONS! A SUPERHERO TALE OF AFRICA , ISANG EPIKO MULA SA CONGO) Ni AARON SHEPARD (RETOLD) PAGKILAL...