Long
Walk to Freedom
Sanaysay mula sa south Africa
ni Mielad al oudt allah
salin ni marna Gonzaga-meridaanaysay mula sa south Africa
ni Mielad al oudt allah
salin ni marna Gonzaga-merida
May-akda
Mielad Al Oudt Allah
•Siya ay nag-aaral noon ng kanyang Master’s degree sa larangan ng politika nang likhain niya ang isang sanaysay patungkol sa libro ni Nelson Mandela na “Long Walk To Freedom”. Isa si Mielad sa nanalo sa kompetisyon ng Syrian Ministry of Education sa paggawa ng sanaysay patungkol sa libro ni Nelson Mandela na may kanya-kanyang estilo ng pagpapahayag at titulo.
URI NG PANITIKAN
•Ang uri ng panitikan nito ay sanaysay,na naghahatid o tumatalakay ng isang kaisipan o paksa. Ang sanaysay na ito ay handing magbigay ng aral at impormasyon sa mga mambabasa nito. Ang paksa dito ay isa sa mga isyung panlipunan na nararanasan natin ngayon.
Layunin ng akda
•Layunin ng sanaysay na ikuwento ang buhay ni Mandela at kung paano nya ipagtanggol at ipaglaban ang kalayaan ng South Africa at ito’y magsisilbing inspirasyon sa mga mambabasa patungkol sa pagkakapantay-pantay ng mga tao sa buong mundo.
TEORYANG PAMPANITIKAN
•Ang teoryang mailalapat natin ay ang teoryang realism dahil ang mga pangyayari sa akda,ay mismong nangyayari sa totoong buhay. Tulad nalamang ng maling pagtrato sa mga “puti” at itim”
•Ang teoryang sosyolohikal dahil ang mga suliraning tinatalakay ng akdang ito ay mga isyung panlipunan na hindi parin nareresolba hanggang ngayon. Ang mga diskriminasyon sa ating lipunan at ang pagpigil ng kalayaan ng isang nilalang.
•Maari nating ilapat ang teoryang bayograpikal sapagkat isinasaad ng may akda ang kanyang saloobin sa libro ni Mandela na Long Walk to Freedom.
Tema/paksa ng akda
•Ang tema sa sanaysay ay tungkol sa pagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay at pagpigil sa diskriminasyon sapagkat ipinapakita na hindi basehan ang kulay sa pagkakaroon ng tao ng kalayaan nito.
Mga tauhan o karakter sa akda
NELSON MANDELA(1918-2013)
Ipinanganak sa Transkein
Ama:Gadla Henry Mphakanyiswa
- ang politiko na naglingkod bilang Pangulo ng Timog Aprika mula 1994 hanggang 1999. Bago ang kanyang pagkapangulo, kilala si Mandela sa paglaban sa mga gawain ng sistemang apartheid at pinuno ng African National Congress(ANC), at nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo dahil sa bintang na pagsasabotahe. Sa kanyang 27 taon na pagkakakulong, halos ang kabuoan ng panahon ay ang pananatili sa Pulo ng Robben, si Mandela ay naging isang malawakang pigura sa laban sa apartheid(dating Sistema sa south Africa na pinaghihiwalay ang mga lahi). Siya ay nagging simbolo sa pagkakamit ng kalayaan ng mamayan ng Timog Aprika. Si Nelson Mandela ay isang totoong karakter sapagkat siya’y nabuhay at namatay sa mundong ito.
Tagpuan at panahon
•Ang mga tagpuan sa nasabing akda ay makatotohanan at ito’y makikita sa mundong ating ginagalawa.Mga Tagpuan na nabanggit:
•Maliit na nayon ng Transkei-dito isinilang si Nelson Mandela.
•Bayan ng Mrezo-Pinamunuan ng kanyang ama.
•Unibersidad ng Timog Africa-Paaralan kung saan nagtapos ng Bachelor of Arts si Nelson Mandela.
•Minahan ng Karbon sa Johannesburg-pansamantalang naghanap ng trabaho si Nelson Mandela kasama ang isang kaibigan.
•Johannesburg-pook kung saan nakatayo ang sarili niyang kompanya ng panananggol (law firm) na nagbigay ng mababa at libreng serbisyong legal sa mga “itim” na kadalasang walang tagapagtanggol.
•Timog Africa- Ang bansa kung saan namuno si Nelson Mandela.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento