"Ang Kwento ng Batang Suwail" ni Mark Twian
Isinalin ni: Maria Gonzaga - MeridaMula sa: Estados Unidos
Sinuri ng: Pangkat 2, 10-Uranium
Mark Twain
- Gusto ni Mark Twain na maiba ang kanyang akda sa mga akdang nabasa at alam na ng karamihan.
- Ang Kwento ng Batang Suwail ay inilathala sa California magazine noong 1865
Uri ng panitikan
- Ang kwento ng suwail na bata ay isang maikling kwento dahil isinalsalaysay ang isang mahalaga at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pamgunahing tauhan at nagiiwan ng isang kalintalan sa isip ng mambabasa
Layunin ng akda
- Mahalaga ito upang maipakita ang realidad na nangyari. Nanghihikayat ito upang mas maipakita at mas maipaintindi ang pag uugali ng isang suwail na bata sa mga mambabasa
Paglalapat ng teoryang pampanitikan
- Realismo - "Siya ay kumapit sa patalim. Naging mayaman siya sa pandaraya at pandarambong." Ito nagpapatunay na ito ay realismo.
Tema o paksa ng akda
- Ito ay tumutugon sa sensibilidad ng mga mambabasa at ito rin ay napapanahon. Ito ay tumutugonsa sensibilidad ng mga mambabasa dahilmay isinulat na akda ng may akda ay tungkol sa batang suwail at maaari itong tumugon sa sensibilidad ng mga mambabasa lalo na kung ang mmga mambabasa ay mga bata o nakakaangkop sa kwento. Ito rin ay naapanahon sahil kung ang mga bata noon ay nagpapagsabihan pa kumpara sa panahon ngayon
Tauhan
- Ang tauhan sa kwento ay si Pedro at si Jose, Si pedro ay isang suwaling bata na mahilig mg nakaw ng gamit at pagkain, Si jose ay isang mabuting bata masunurin sa kanyiang ina, Nagsisinungaling, Masigasig sa mga aralin sa eskuwela, At malimit mag aaral ng katekismo.
Tagpuan at Panahon
- Maraming tagpuan sa kwento, isa ay umakyat si pedro sa puno ng mansanas para magnakaw ng prutas, isa pa ay Sa kainan, kakainin ni pedro ang mga halaya Pagkatapos pinuno niya ang bote ng alkitran para hindi mahalata.
Nilalaman O balangkas ng pangyayari
- Hindi gasgas ang kwentong ito dahil kakaiba ang kwentong ito sa mga binasa ko at maraming kakaiba sa mga pangyayari dahil sa ibang binasa kong kwento kadalasan, ang mga tauhan ay minamalas hindi katulad ng kwentong ito. Para sa akin, ang kwentong ito ay bago dahil kahit gumagawa siya ng masama ay hindi padin siya minamalas bagkus sineswerte padin sya. Sinimulan ng akda noong siya ay bata pa hanggang tumanda na siya. Ang natutunan ko sa kwentong ito ay may mga bagay na hindi makukuha sa madaling paraan.
Mga Idelohiyang taglay ng akda
- Hindi lahat makukuha sa madaling paraan at hindi lahat ng oras kasa mo ang suwerte.
Estilo ng pagkakasulat ng may akda
- Naging mabisa ang paglalahad ng kwento ng may akda, sapagkat hindi ito ang pangkaraniwang kwento na nababasa ng mga mambabasa, kakaiba ito at nagpapakita ng kasiningan sapagkat ang uri ng ganitong kwento ay hindi masyadong ginagamit ng mga manunulat. Maayos na nailahad ng may akda ang gusto niya na maipakita sa kwento at ito ay lubos na naiintindihan. Walang ipinakita na pagkampi o pagpanig. Sa paglalahat, ito ay dapat mas gamitin nang estil ng maraming manunulat dahil isa ito sa mga nakakaaliw na mga akda na aming nabasa.
Buod
- Ang nilalaman ng ''kwentong batang suwail'' ay ang pagkukwento ng manunulat tungkol sa kwento ng isang bata na hindi dinadapuan ng kamalasan kahit sobrang dami ng mga kasalanan na kanyang nagawa, bagkus ang nangyayari sa pa kanya ay lagi siyang sinuswerte.
- Ang kwentong ito ay hindi karaniwang pinapakita sa mga libro, sapagkat ito ay kabaligtaran ng lahat ng uri ng kwentong kinakapulutan ng aral.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento