Miyerkules, Nobyembre 28, 2018

Pagsusuri sa "Sintahang Romeo at Juliet" ng Pangkat 4 ng 10 Uranium



Sintahang Romeo at Juliet

Isinalin ni Gregorio Borlaza
Mula sa Inglatera
Sinuri nila Claire Alfonso, Lester Suarez, Artemis Aldea, Charles Bernardo, Samantha Masias, Alfonso Paraiso (Pangkat 4 ng 10 Uranium)

  • PAGKILALA SA MAY AKDA (Ito ay nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanya na likhain ang isang akda.) 

Si William Shakespeare ay isang Ingles na makata, manunulat at dramatista. Siya ay itinuturing na isa sa pinakamahusay sa mga manunulat sa Wikang Ingles at tanyag sa daigdig sa literatura. Itinuturing siyang maestro sa paggawa ng mga soneta at dula.

Natuklasan ni Shakespeare ang likas na katangian ng isang inspirasyon at ang milagro ng sangkatauhan ay malinaw na kailanman naroroon sa kanyang isipan na inhahayag ang kagalakan sa papuri ng kagandahan ng kasintahan at pagpapahayag ng sangkatauhan, espiritu, katalinuhan at biyaya.

  • URI NG PANITIKAN (Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o damdaming taglay nito.)
 

Ang pangunahing pinagkunan si Shakespeare para sa Sintahang Romeo at Juliet ay mula sa tula ni Arthur Brooke na The Tragical Historye of Romeus and Juliet, isinulat noong 1562. Maaring kilala rin niya ang popular na kwento ni Romeo at Juliet mula sa kwento ni William Painter na pinamagatang The Palace of Pleasure na isinulat bago ang 1580.

  • LAYUNIN NG AKDA (Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit isinulat. Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, magprotesta at iba pa.)

Ang akda ay may layunin na manghikayat sa atin na kahit anong mangyari ay huwag tayo sumuko, ipaglaban ang dapat ipaglaban kahit ano pa ang komplikado, huwag tayo mawalan ng pag-asa.

PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
Mailalapat ang Teoryang Romantisismo sa akda dahil ang dulang ito ay nagpapakita ng pagmamahalan ng pamilya at ng magkasintahan at pagkalabas ng matinding emosyon ng dalawang tao.
Teoryang Imahismo, dahil sa mga tayutay mula sa dayalogo ng mga karakter, halimbawa nito ay sa linyang ang pag-ibig ko'y kasinlalim ng dagat ni Juliet na ang ipapakita ang labis na pagmamahalan nito mula sa kaniyang kasintahan.
Teoryang Sosyolohikal. Dahil may ugnayan ang pamilya Montague at Capulet kina Romeo at Juliet.

  • TEMA O PAKSA NG AKDA (Ito ba ay makabuluhan, napapanahon, at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mga mababasa?)
 

Ang tema ng akda sa kwento ay makabuluhan dahil ito ay nagpapakita ng pagsisikap nang mabuti tiwala sa isa't isa, wagas na pagmamahalan ng magkasintahan hanggang sa kamatayan.

  • MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA (Ang karakter ba'y anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga taong di pa nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga taong nilikha, nagwasak, nabuhay, o namatay.)


Ang pangunahing taauhan ay sina Romeo at Juliet na nag-ibigan at namatay. Ang iba pang tauhan ay ang kanilang pamilya na ang iba ay namatay dahil sa awayan ng magkaalitan na angkan.
Ang lahat ng ito ay ginawa lamang ni William Shakespeare sa kaniyang dula.

  • TAGPUAN/ PANAHON (Binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kaniyang kaugnayan sa kapwa at lipunan.)

Ang ginamit na lokasyon sa 'Sinatahang Romeo at Juliet' ay sa Verona, Italy, na matatagpuan sa Italy ito ay makasaysayan o matagal ng nangyari dahil sa lalim na salita na ginamit ni Shakespeare.

  • NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI (Isa bang gasgas na pangyayariang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na ba ang mga pangyayari o may bagong bihis, anyo, anggulo o pananaw? Paano binuo angbalangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakalapit ng mga pangyayari simula hanggang wakas? May natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?)

Ang dulang Sintahang Romeo at Juliet ay hindi lamang tungkol kanila Romeo at Juliet kundi pati na rin sa kanilang angkan na matagal ng magka away. Ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet ay nagwakas agad matapos ang kaguluhan na nangyari sa pamilya.

  • MGA KAISIPAN O  IDEYANG TAGLAY NG AKDA (Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinapatunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang ito ay salungatin, pabulaan, magbago o palitan. Ito ba ay mga katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas sa kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayn sa paglalahad ng mga pangyayari.)

Ang mga kaisipan o ideyang taglay ng akda ay ang sumusunod;
- Ipaglaban kung ano ang gusto ng puso mo ngunit gawin ito na may respeto sa sarili.
- Sa pagmamahalan, hahamkin ang lahat huwag lamang ito masira.

  • ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA (Epektibo ba ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita? Angkop ba ang antas ng pag-unawa ng mga mambabasa sa pagkakabuo ng akda? May bias ba kaya ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masinig ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba'y kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?)

Ang dulang ito ay may malalalim na ibig sabihin sa bawat linya na sinasabi ng mga karakter. Gumamit din ang akda ng mga tayutay upang mas mapalalim pa ang mga salita. Nakaayos din ito ng padayalogo o dulaan o mahabang kento.

  • BUOD (Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang-tugon)

Ang dulang ito ay patungkol sa pagmamahalan ng magkasintahan na ang pamilya ay magka-away, na nagibigan at namatay, at naging daan ito sa pagkakaayos ng dalawang angkan, Ang Montague at Capulet.

3 komento:

Bawal ang anak na lalaki

Bawal ang anak na lalaki ( NO SONS! A SUPERHERO TALE OF AFRICA , ISANG EPIKO MULA SA CONGO) Ni AARON SHEPARD (RETOLD) PAGKILAL...