Miyerkules, Nobyembre 28, 2018

PAGSUSURI SA TULANG ANG AKING PAG-IBIG


Pagkilala sa May-akda

Sa tingin namin, ang nagudyok kay Elizabeth Browning sa paggawa ng mga tula ay ang kanyang asawa at pamilya, makikita naman natin sa tulang “Ang Aking Pag-ibig, ito ay punong puno ng emosyon at pagmamahal. Isa si Elizabeth sa pinaka matayog na manunulat ng tula sa kanyang panahon

Uri ng Panitikan

Ang uri ng panitikan ay tula. Naipapakita ang paggamit ng matalinghagang salita. Ang aking pagibig ay isang uri ng tulang soneto. Kaya itonaging soneto dahil ito ay may labing-apat na taludtod at may sukat na sampung pantig ang bawat taludtod.

Layunin ng akda

Ang layunin ng may akda ay iparating ang kanyang wagas na pagmamahal.

Paglalapat ng teoryang pampanitikan

Mailalapat ang teoryang ROMANTISISMO sa akda dahil nangingibabaw ang pagibigsa paraan ng mga salita ng may akda. Mailalapat rin ang teoryang BAYOGRAPIKAL dahil maaring iniungkat ang tulang ito sa karanasan ng may akda.

Romantismo: “Ibig mong batid” , “Ibig mong malaman kung paano kita pinakamamahal”,”Iniibig kita nang buong taimtim”, "Sa tayog at saklaw ay walang kahambing”, “Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin”, “Tulad ng lumbay kong di makayang bathin”.
  Bayograpikal: Yaring pag-ibig ko’y katugon,kabagay ng kailagan mong kaliit-liitan”, “laging nakahandang pag utos-utusan, maging sa liwanag, maging sa karimlan”, “Yaring pag-ibig ko ay siyang  lahat na, ngiti, luha, buhay, at aking hiningan”.

Tema o paksa ng akda

Ang paksa ng akda ay ang pagibig ng may akda sa inaalayan niya ng tula, isinasaad niya ang kalaliman ng kanyang pagibig. Makabuluhan ito dahil naiparating ng tula ang mensahe ng tula at napapanahon ito dahil bilang na lamang ang mga tulang pagibig na ganto katalinhaga ang mga salita.

Mga tauhan/karakter sa akda

Ang persona ay tumutukoy na nagsasalita sa tula. Gumamit ng unang panauhan ang may akda upang ihayag ang pagmamahal sa kanyang kasintahan.

Tagpuan/panahon

 Isinulat ito sa bansang Inglatera. Dati pa ito isinulat nguinit ang diwa at kahulugan ng tula ay maaring iugnay sa nararanasan ngayon.

Nilalaman o balangkas ng mga pangyayari

Ang nilalaman ng tula ay ang kanyang pagmamahal sa kanyang kasintahan.

Mga kaisipan/ideyang taglay

 Ang akdang nabasa ay maihahambing din sa totoong buhay dahil lahat naman tayo ay umiibig.  Ang kaisipang ideya nito ay naparamdam ng sumulat ng akda ang kanyang masidhing nararamdaman sa kanyang iniibig at naibahagi sa kanyang mga tagabasa.

Estilo ng pagkakasulat ng akda

Napakaepektibo ng paggamit ng mga salitang ginamit sa tula, dahil ito’y napakalalim at malikhaing mga salita. Kapag ito’y binasa ng mga mas nakakabata ay hindi ito masyadong mauunawaan dahil napaka lalim ng mga salitang ginamit rito. Pero para sa amin ito ay napakagandang tula para sa mga umiibig at naghahanap  ng pag-ibig.

Buod

Ating matutunghayan sa tulong ng aking pagibig ay ang pagmamahal ng isang tapat na umiibig sa kanyang iniibig na hahamakin ang lahat upang maiparamdam niya ang kanyang wagas na damdamin.


12 komento:

Bawal ang anak na lalaki

Bawal ang anak na lalaki ( NO SONS! A SUPERHERO TALE OF AFRICA , ISANG EPIKO MULA SA CONGO) Ni AARON SHEPARD (RETOLD) PAGKILAL...