Nobela mula sa Pransiya
Salin ni Desiderio Ching ng kuwentong "The Little Prince" ni Antoine de Saint-Exupery
May akda
- Ipinanganak sa Lynos si Antoinne de Saint Exupery ay itinuturing na isang pilotong kakaiba sa lahat. Sa loob ng dalawampung taon, siya ay naglakbay sa kalawakan upang gampanan ang mga pag buo ng mapa ng iba't-ibang lugar kasabay ng pag-lalakbay komersiyo. Ang kanyang pag-lipad ay nag-dulot sa kanya ng inspirasyon at halaga sa kanyang mga pag-susulatang mga pilosopiyang sanaysay at pantasya. Ang pag-lipad din ang nag-gayak sa kanya upang matukoy ang karunungan at kahulugan ng buhay. Si Antoinne de Saint Exupery ay nag simula ng pag sulat "The Little Prince" noong ikalawang digmaang pandaigdig. Nang sakupin ng Germany ay tumigil sa pag-lipad at lumisan papuntang New York. Ang pangyayaring ito ay lubusang ikinalungkot niya at ito ay makikita sa nobelang kanyang isinulat na nagpapadama ng pag asa na makabalik siya. (Ang "The Little Prince" na isinulat ni Exupery ay nag papahiwatig ng ilang tunay na karanasan sa kanyang buhay ng kanyang kamusmusan at mga salaysay ng kanyang paglalakbay).
Uri ng Panitikan
- Ang kuwento ng munting prinsipe ay isang uri ng nobela na mas maikli pa sa karaniwang nobela at mas mahaba sa maikling kuwento. Isa rin itong pabula at alegorya.
Layunin ng akda
- Isinulat ito upang ipakita at iparamdam sa atin na sa ngayong panahon makikita mong pareparehas ang lahat ng bagay ngunit makikitaan mo lang ito ng importansya o halaga kung ito'y iyong iningatan, inalagaan at minahal. Layunin ng akda na imulat ang mga mambabasa mapabata man o matanda na dapat bigyang kalinga at importansya ang isang bagay upang makita mo ang pag kakaiba nito sa mga katulad niya.
Teoryang Pampanitikan
- Mailalapat ang teoryang romantisismo sa storya. Makikita sa istorya ang romantisismo dahil sa ugnayan at sa nararamdaman ng munting prinsipe para sa kanyang rosas. Maaari din ito sa ugnayan ng alamid at ng munting prinsipe dahil gusto ng alamid na mapaamo siya ng prinsipe.
Tema o paksa ng akda
- Ang tema ng akda ay patungkol sa di pag sayang ng oras at panahon upang malaman ang mga bagay na gusto nating malaman.
Mga tauhan o karakter sa akda
- Ang pangunahing tauhan sa may akda ay ang munting prinsipe na umakyat sa isang mataas na bundok upang tignan ang tatlong bundok na ang taas ay abot hanggang tuhod at nakilala niya duon ang naging kaibigan na si alamid na nagturo sa kanya kung gaano kahalaga ang bawat oras at panahon.
Tagpuan at panahon
- Nagpatunay lang na ang munting prinsipe ay may sariling mundo na marami pang kailangan malaman at ang kanyang mundo ay naiiba sa makatotohanang mundo ng mga tao na may mga bagay na nalilimutan ng mga tao.
Nilalaman o balangkas ng mga pangyayari
- Sa aking pag kabasa ang nilalaman ay may pag kakaiba sa karamihang kuwento o istorya pagkat ito'y may pag lalarawan sa ganap na nangyayari sa aking mundong ginagalawan. Ang ilang pangyayari ay nasa panahong nag sasaad ngayon ang mga tao ay tulad sa mga rosas sa hardin walang pag kakaiba wala ni isang natatangi kung kaya't nag papaamo ang alamid sa prinsipe at ng matapos ang amuhan napagtanto ng prinsipe ang kaibahan ng rosas niya sa ibang hardin malinaw ang gustong ipahayag ng may akda na sa tamang karanasan malalaman mo ang kaibahan ng isang bagay.
Mga Kaisipan
Ang mga kaisipan o aral sa akda ay ang mga sumusunod:
- ang pinaka mahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na halaga, puso lamang ang nakadarama.
- matutong makuntento sa isang bagay na pinahalagahan mo ng sobra dahil natatangi lang yun sayo na hindi mo mahahanap sa iba.
- tunay na pag mamahal at pag kakaibigan.
Ang mga kaisipang ito ay maaaring maging iyong gabay sa matiwasay at maayos na pamamalakad ng iyong buhay.
Estilo ng pagkakasulat ng akda
- Epektibo ang pag kakasulat ng akda sapagkat naipapakita nito ang mga elemento ng nobela. Gumamit din ang may akda ng mga simbolismo upang maging masining sa pag papahayag ng kanyang mensahe o aral sa akdang ito. Ang simbolismo sa istorya ay ang rosas na pinahahalagahan at pinaamo ng prinsipe. Kaya rosas ang simbolismo dahil para sa prinsipe ito ay parang espesyal na tao sa buhay niya.
Buod
- Sa akda ay pinakilala ang munting prinsipe. Pinakilala siyang napaka inosente at nag hahanap ng makakausap o ng magiging kaibigan. Nag tangka ang munting prinsipe na hanapin ang mga tao ngunit una siyang napadpad sa hardin ng mga rosas. Nanlumo siya nang makita niya ang isang hardin ng mga rosas. Sapagkat ang sabi kanyang bulaklak sakanya ay wala nang iba pang tulad niya. Tila napahiya ang prinsipe nang makita niya ang napaka raming katulad nito. May nakilala naman na alamid ang munting prinsipe at ang alamid na ito ang nag silbing tagapagturo niya ng aral na ang pag kakaroon ng ugnayan sa kung ano man o sino man ay hindi mapapantayan ng kahit ano mang kaparehas ng anyo nito sapagkat ang ugnayan nila ang mismong nangingibabaw.