Lunes, Disyembre 17, 2018

Mullah, Ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota


Mullah, Ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota

Mga Anekdota mula sa Iran
Isinulat ni M. Saadat Noury
Isinalin ni Marina Gonzaga-Merida sa Filipino
Sinuri ng Pangkat 4 ng 10 Uranium

- PAGKILALA SA MAY AKDA (Ito ay nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanya na likhain ang isang akda.)

  • Si Manouchehr Saadat Noury o kilala sa tawag na M. Saadat Noury ay isang manunulat, makata at mamamahayag na mula sa Iran.
  • Ipinanganak noong 1939 sa Tehran, Iran
  • Mullah, Ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota

- URI NG PANITIKAN (Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o damdaming taglay nito.)
  • Anekdota isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling insidente sa buhay ng tao. Tumatalakay sa particular na paksa na karaniwan ito mula sa personal na karanasan at kinapapalooban ng iba’t ibang emosyon tulad ng kasiyahan, kalungkutan, pagkahiya, pagtataka, o pagkabigo.


  • Ang kwentong Mullah ay isang nakakatawa na anekdota.

LAYUNIN NG AKDA (Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit isinulat. Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, magprotesta at iba pa.)
  • Ang layunin ng kwentong ito ay magbigay ng kasiyahan at maibahagi ang kanyang personal na karanasan.
  • May layunin din ito na mabigyan ng aral ang mg mambabasa.            
- PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
  • Sikolohikalipinakita dito ang ugali ni MND sa bawat anekdotang kanyang isinulat.
  • Formalistiko- Ang kwento ni Mullah ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka epektibo ng kanyang sinulat.
- TEMA O PAKSA NG AKDA (Ito ba ay makabuluhan, napapanahon, at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mga mababasa?)

  • Ang Tema o paksa ng akda sa kwento ay magbigay katatawanan dahil sa ugali ng karakter at sa mga sinasabi nito
- MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA (Ang karakter ba'y anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga taong di pa nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga taong nilikha, nagwasak, nabuhay, o namatay.)
  • Mullah Nassreddin o Mullah Nassr-e Din (na kilala rin sa daglat na MND). Siya ang tagapagkwento ng mga katatawanan na laging maaalaala ng mga Iranian buhat  sa kanilang kabataan.
  • Ang Mullah ay isang muslim na bihasa sa banal na batas at teolohiya ng islam.
- TAGPUAN/ PANAHON (Binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kaniyang kaugnayan sa kapwa at lipunan.)
  • Iran
MGA KAISIPAN O  IDEYANG TAGLAY NG AKDA (Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinapatunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang ito ay salungatin, pabulaan, magbago o palitan. Ito ba ay mga katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas sa kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayn sa paglalahad ng mga pangyayari.)
  • Panindigan ang bawat desisyon.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA (Epektibo ba ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita? Angkop ba ang antas ng pag-unawa ng mga mambabasa sa pagkakabuo ng akda? May bias ba kaya ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masinig ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba'y kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?)
  • Ipinakilala ng may-akda si MND sa umpisa at kasunod naman dun ang mga anekdota na kanyang mga nagawa.
- BUOD (Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang-tugon)
  • Si Mullah Nasserdin na mas kilala sa pangalang Mulla Nasser-e Din (MND) ay ang isa sa pinakamahusay na pagtatala ng katatawanan sa kanilang bansa. Isa ito sa mga pinaka-tumatak sa isip ng mag Iranian na nagmula sa mag sinaunang Persiano. Maraming kwentong pang-komedya ang Onagawa ni MND sa kanilang lipunan kaya naman siya ay tinaguriang isang alamat sa paggawa ng kwento dahlia sa likas nitong pagiging mapagbiro sa estilo ng kanyang sining. Inanyayahanan si MND upang magsalita at magtalumpati sa harap ng maraming tao. Ang Sukatin mo!” at ang “Sino ang iyong Paniniwalaan?” ay isa sa mga akdang kanyang isinulat.


                      
\

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bawal ang anak na lalaki

Bawal ang anak na lalaki ( NO SONS! A SUPERHERO TALE OF AFRICA , ISANG EPIKO MULA SA CONGO) Ni AARON SHEPARD (RETOLD) PAGKILAL...