Biyernes, Disyembre 14, 2018

Awit ng Ina sa Kaniyang Panganay


"Awit ng Ina sa Kaniyang Panganay"

Awitin ng Paghehele ng mgaTaga-Didinga/Lango Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg

1. Pagkilala ng may Akda
Ang may akda ay hindi nasabi, tanging ang lugar lang nang 
pinanggalingan ng akda ang binanggit at ito ay sa Uganda.
Maaaring ang tulang ito ay nagpasalinsalin lamang kaya
hindi natukoy ang tunay na may akda
Si Jack H. Driberg ang nagsalin sa Ingles at si 
Marina Gonzaga naman ang nagsalin sa Filipino.


2
2. Uri ng panitikan
Ang “Awit ng Ina sa Kaniyang Panganay “ ay isang uri ng Tula, mayroon itong mga tugmaan, ngunit walang ganap na sukat o tinatawag ding "Malayang Taludturan".



     3. Layunin ng Akda
       Layunin ng may akda na ibahagi sa mga mambabasa ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak lalo na kung ito ay panganay, sabi nga nila masarap daw sa pakiramdam ang masilayan ang iyong anak. Layunin din ng may akda na ipalaganap ang tulang ito dahil gusto niyang malaman ng mambabasa lalo na sa mga naging unang anak/panganay na iparamdam sakanila ang mga pagmamahal, pagsusumikap at pagsasakripisyo simula ng nasa tiyan pa ito. Nais din nitong ibahagi saatin na kahit anong mangyari ay mahal parin tayo ng ating magulang lalo na ang ina kahit hindi natin ito nararamdaman. At huling layunin nito ay ibahagi kung paano naipapadama ng isang ina ang pagmamahal lalo na sa pamamagitan ng pag-awit.


       Mga Teoryang Pampanitikan
        
       ROMANTISISMO 
       -Dahil naipapakita rito ang
         pagmamahalan ng ina at ng anak.

      
        HUMANISMO
       -Dahil naka sentro lamang ito sa mga tao o karakter
          Pinag-uusapan dito ang tao

 Klasismo
       -Dahil gumamit ang may akda ng makabuluhang 
         salita sa tula. At di ito naluluma.

 Realismo
-Naipapakita ang realidad na nangyayari sa iang ina.


4. Tema o Paksa ng Akda

PAGMAMAHAL. Ito ay makabuluhan dahil gumamit ang may akda ng mga simbolismo at mga matatalinhagang salita. Ito rin ay napapanahon dahil ang kwentong ito ay nangyayari sa totoong buhay at kinakantahan ng mga ina ang mga anak nila.

5. Mga Tauhan
Ang tauhan sa kwento ay ang Ina at ang kanyang anak. Pinapakita saatin ng Ina na siya ay isa sa pinaka importanteng tao sa buong buhay natin dahil sila ang nagalaga saatin simula pagkabata
At ang anak, Maliit pa lamang siya ay kinakantahan na siya ng kanyang ina at pinapangarapan ng mabuting kinabukasan.

6. Mga Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay sa Uganda, Ito ay pinaliligiran
ng mga lupain sa silangang africa. Ito ay hinahangganan 
sa silangan sa bansang kenya, Sa hilaga ng timog sudan
Sa kanluran ng Demokratikong Republika ng congo
Sa timog kanluran ng Rwanda at Tanzania.
Mayroong maraming tribo sa uganda at bawat isa sa kanila 
ay may sailing natatanging tradisyon.

8    7. Balangkas ng mga pangyayari
      Hindi gasgas ang mga pangyayari sa akdang ito dahil kakaiba ang nilalaman nito sa iba.
       Bago din ang mga pangyayari at binigyan ito ng bagong anyo, anggulo at pananaw. May kaisahan ang mga pangyayari. Natutunan ko na ang pagmahahal at pagaalaga ng ina sa kanyang anak ay walang kapantay.

    8. Kaisipan o ideyang taglay ng akda
       Walang kapantay ang pagmamahal at pagaalaga 
       ng ina sa kanyang panganay na anak.
      
    
    9. Estilo ng pagkakasulat ng akda
     Naging epektibo ang pagkakagamit ng mga salita at angkop din yung mga antas na ginamit dito. Bagamat may mga ibang salita na malalalim dahil ito'y isang tula
       kaya pili ang mga salitang mga ginamit. Naging masining din ang pagawa sa akda dahil maayos ang pagkakagamit ng mga salita sa tula. Meron kahalagahan tutugon sa panlasa ng mambabasa dahil ipinapakita at ipinapaalala dito kung paano magmahal ang isang ina sa kaniyang anak. May katangian ng isang ina sa kaniyang anak. May katangian ng isang mahusay na akda ito dahil para sa akin ang tula ay parang isang kwentong may tauhan at malalalim na mga salita.


10. Buod
Ang tulang pinamagatang "Ang awit ng isang Ina sa Kaniyang Panganay na anak", Isinalin ni Jack H.
Driberg sa Ingles at Sa tagalog ni Marina Gonzaga Merida Umiikot ito sa hindi mapantayang
kaligayahan ng isang ina sa pagsilang ng kaniyang panganay at kung paano ito kung lumaki o kaya
ay ano ang magiging buhay nito. Isinasaad din sa tula na katulad ng pagmamahal ng ina sa kaniyang
asawa ay gugunitain din ng kanilang anak ang asawang nahimlay na.


Isinuri nila
-Kurt De leon
-Christine Ventura
-Christine Manuel
-Jemimah Sabroso
-Gian Pingol

Maraming Salamat sa Pagbabasa.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bawal ang anak na lalaki

Bawal ang anak na lalaki ( NO SONS! A SUPERHERO TALE OF AFRICA , ISANG EPIKO MULA SA CONGO) Ni AARON SHEPARD (RETOLD) PAGKILAL...