Talumpati sa pagtanggap ng nobel prize
para sa literatura 2002
Imre Kertesz
Isinalin ni Cristina Dimaguila - Macassas
Mula sa Hungary
1. Pagkilala Sa May Akda.
para sa literatura 2002
Imre Kertesz
Isinalin ni Cristina Dimaguila - Macassas
Mula sa Hungary
Ang may akda na si Imre Kertesz ay sumulat ng ganitong klase ng talumpati upang magbigay ng impormasyon at katotohanan tungkol sa Holocaust. Ibinahagi niya rin dito ang kaniyang patuloy na pagharap at paglaban sa mga pagsubok na kadalasan ay sanhi ng mga tao. Ang mga hindi magagandang bagay na kaniyang nasaksihan at naranasan ay ninais niyang ipahayag upang makapagbigay babala na maging maingat at magpaalala na ang kapwa ay hindi dapat gawan ng masama. Nais ng may akda na ipabatid kung gaano kasama ang mga Nazi sa kanilang kapwa tao. Ginawa ito ng may-akda upang kapulutan ng aral ang kaniyang mga karanasan at maging hudyat ng pagbabago sa lipunan.
2. Uri Ng Panitikan
Ang akda ay isang talumpati. Ito ay isang anyo ng sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan tungokl sa isang mahalaga at napapanahong isyu o paksa sa paraang pasalita sa harap ng mga tagapakinig. Ang talumpating ito ay may damdaming malungkot dahil sa paghihirap ng mga taong dumanas ng Holocaust. Ngunit ang akda ay may himig na pag-asa. Sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari, kakikitaan na ang may-akda ay nagsumikap na bumangon at magpatuloy sa buhay
3. Layunin Ng Akda
Ang talumpating binigkas ng may-akda ay may layuning makapagpaliwanag ng kabalintunaan tungkol sa Holocaust. Layunin din nitong ilarawan kung gaano kahirap ang pagmamalupit na dinanas ng mga tao sa kapwa nila tao. Mahalaga ang ganitong klase ng talumpati dahil tinatalakay nito ang mga hindi magandang pangyayari sa mundo na dapat itigil at baguhin. nais ding ipabatid ng akda na anumang pagsubok ang harapin, mahalata na huwag sumuko at matapang na harapin ang mga problema.
Paglalapat Ng Teoryang Pampanitikan:
Historikal - ''Hindi kailanman nagbago ang aking opinyon na ang Holocaust ay dusa ng kabihasnang Europeo. At ito ay nagiging maselang paksa, isang diskusyon na kung ang dusang ito ay magpapatuloy bilang kalinangan o sakit sa pag-iisip, sa nakabubuti o nakapipinsalang anyo sa mga lipunang Europeo''
Klasismo - ''At tinanong niya : ano ang kaniyang iiwan, ang kaniyang espiritwal na pamana? Napayaman ba niya ang kaalaman ng tao sa kwento ng kaniyang pagdurusa? O naging mapagbatang saksi lamang siya sa hindi mailarawang pag-aalis ng dangal ng tao, na walang idinulot na aral at marapat kalimutan sa lalong madaling panahon?''
4. Tema o Paksa Ng Akda
Ang tema ng talumpati ay nagpapakita ng pag-asa. Ito ay napapanahon sapagkat hanggang ngayon ay nakararanas pa rin ng hirap ang mga tao sa iba't ibang bansa partikular na dito sa Pilipinas hindi lamang sa bansang pinagmulan ng talumpati. Nagaganap pa rin ang mga pagpatay na nakapangingilabot dito sa ating bansa kaya't napapanahon ang usaping ito. Ipinakita rin dito ang pagbangon ng mga biktima ng Holocaust at inihayag din na ang pag-ibig ang kaniyang dahilan upang ipagpatuloy ang kaniyang buhay.
5. Mga Tauhan / Karakter Sa Akda
Ang persona ay siya mismo ang nagsasalita sa talumpati. Gumamit ng unang persona upang ibahagi ang kaniyang naranasang paghihirap nang panahon ng Holocaust na naganap sa kanilang bansa. Paulit-ulit niyang nasasalamin ang mga pangyayari sa kanilang lugar at kahit mahirap ay ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang buhay nang dahil sa pag-ibig6. Tagpuan / Panahon
Ang tagpuan ay naimpluwensiyahan ng mismong may-akda sapagkat sarili niyang karanasan ito kaya't masasabing ito'y makatotohanan. Mahigit dalawang dekada na ang nakalipas ng ihayag ito ngunit ang mga pangyayari sa talumpati ay nagaganap at nararamdaman parin ng mga tao sa kasalukuyan at ito ay nagpapatunay ang talumpating ito ay napapanahon.
7. Nilalaman O Balangkas Ng Mga Pangyayari
Ang mga pangyayari sa akda ay makatotohanan. Kung ikaw ay magbabasa at habang patagal ng patagal ay makikita mo ang nais ipabatid ng may-akda na ang kainyang akda ay nagaganap parin sa kasalukuyan. Ang mga pangyayaring naganap sa akda ay pawang mga katotohanan at walang likhang-isip. Nagbigay aral din ito na kahit ikaw ay nakaranas isang matinding sitwasyon na may kinalaman sa iyong buhay ay dapat lamang na ipag-patuloy mo ito dahil ito ay iyong pangalwang pagkakataong mabuhay.
8. Mga Kaisipan O Ideyang Taglay Ng Akda
Ang talumpati ni Kertesz ay nagpapahayag at nagpapaliwanag ng mga tunay na pangyayari na naganap sa Holocaust. Inihayag siya akda ang mga totoong karanasan ni Kertesz na naging sanhi ng malaking pagbabago sa totoong buhay niya. Ang kaniyang mga nasaksihan at personal na karanasan sa Holocaust ay nagdulot sa kaniya ng kalungkutan at sakit. Ngunit ito ay buong tapang niyang hinarap at pinaglaban. Ibinahagi niya sa akda na ang pag-ibig ang tumulong sa kaniyang magpatuloy sa buhay. Batay sa akda, ang pagkakaiba-iba ng mga kaisipan, Ideya at opinyon ng mga tao ay maaaring maging sanhi ng isang malagim na pangyayari. Ang akda ay naglalayong magbigay impormasyon tungkol sa mga tunay na pangyayari sa mundo, Magbigay paalala na ang pagsubok ay dapat hinaharap at hindi sinusukuan, at maglahad ng mga kaisipan na maaaring makapagmulat sa ating kaisipan. Nais ng may-akda na magsilbi siyang halimbawa sa mga taong may kinakaharap na problema. Hindi siya sumuko at nagpatuloy mamuhay sa kabila ng lahat ng kaniyang dinanas.
Ang mundo at ang mga tao ay sadyang mapagmalupit ngunit hindi ito sapat na dahilan para ang ating pagkatao ay mawala.
Ang mundo at ang mga tao ay sadyang mapagmalupit ngunit hindi ito sapat na dahilan para ang ating pagkatao ay mawala.
9. Estilo Ng Pagkakasulat Ng Akda
Ang estilo na ginamit ng akda ay ang pagpapahayag o pagkukuwento nito sa pagtatalumpati. Para sa amin isa itong masining na pamamaraan sapagkat naipamalas ng may-akda ang nais nitong ipakita na emosyon patungkol sa nararanasang pagpapahirap ng Holocaust ng mga Tiga-Israel. Epektibo ito dahil malinaw na pag papahayag ang pamamaraan na pagsulat ang ginawa ng may-akda at makikita mo talaga ang tunay na karanasan ng mga taong naka paloob dito,
10. Buod
Kahit na kilabot at pagpapahirap ang Pinaranas ng Holocaust sa mga tao sa Israel, namayani ang paniniwala sa Diyos at nagpakatatag dahil sa pagmamahal.